Skip to main content

Opisyal nang ipinakilala sa publiko ang mga kalahok sa 2026 Mutya at Ginoo Ning Sta. Rita nitong Lunes, Abril 13.

Binubuo ng sampung kababaihan at sampung kalalakihan mula sa iba’t ibang barangay ng bayan ang mga kandidatong maglalaban-laban para sa inaasam na korona at titulo.

Isinagawa ang press presentation at sashing ceremony ng mga kalahok nitong Lunes ng hapon sa Alviz Farm.

Pinangunahan ang programa nina Mayor Reynan Calo at First Lady Louella Calo, kasama sina Municipal Administrator Earl Tongol, Consultant for Tourism Activities Andy Alviz, at Municipal Treasurer Myla Capulong.

Ayon kay Mayor Calo, layunin ng pageant na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Ritenians na maipamalas ang kanilang talento at talino.

“Sana maka-inspire sila ng kapwa nila kabataan at mai-share nila ‘yung magandang advocacy nila hindi lang dito sa Sta. Rita, kundi sa buong Pilipinas,” ani Calo.

Gaganapin ang pre-pageant sa Abril 24, habang ang grand coronation night ay nakatakda sa Mayo 19.

Ang Mutya at Ginoo Ning Sta. Rita ay parte ng isang buwang selebrasyon ng pista ng bayan, na ipagdiriwang sa Mayo 22.

Click here: https://www.facebook.com/share/p/17KQtj39EU/


Browse More ⟶