Skip to main content

Mahigit 80 Alagang Hayop, Nakinabang sa Matagumpay na Libreng Spay at Neuter Program sa Sta. Rita

Isang matagumpay na Libreng Spay at Neuter Program ang naisakatuparan ngayong araw ng Sabado, Hunyo 20, 2026 sa bayan ng Sta Rita. Sa pakikipagtulungan ng Municipality of Sta. Rita, Pampanga at ng IWCT, naganap ang programa ng
Kapitolyo na naglalayong mapabuti ang kalusugan ng mga alagang hayop at makatulong sa pagkontrol ng populasyon ng mga aso at pusa sa lalawigan.
Sa programang ito, mahigit 80 alagang hayop ang nabigyan ng libreng kapon at ligate habang 60 pet owners naman ang nakinabang at nabigyan ng kaalaman tungkol sa responsableng pag-aalaga ng kanilang mga alaga.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga pet owners na nakiisa, sa ating mga beterinaryo at volunteers, at sa mga katuwang nating organisasyon na naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito.
🐶🐱 Sama-sama nating isulong ang responsableng pag-aalaga ng alagang hayop
FreeSpayAndNeuterProgram
Pampanga
ResponsiblePetOwnership
BayungStaRita
IWCT

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DCEswLEJc/


Browse More ⟶