Skip to main content

₱42M SUPORTA NG CAPITOL, TULONG SA TAGUMPAY NG PASDAAM 2026🏀🏆

Nagpaabot ng pasasalamat ang Department of Education (DepEd) Pampanga sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa paglalaan ng ₱42 milyong pondo para sa Pampanga School Division Athletic Association Meet (PASDAAM) 2026.

Bago pormal na pasinayaan ang taunang palaro, nagpasalamat si Schools Division Superintendent Romeo Alip kina Governor Lilia “Nanay” Pineda at Vice Governor Dennis “Delta” Pineda sa patuloy na suporta ng Kapitolyo sa pagpapaunlad ng larangan ng pampalakasan at sa paghubog ng kabataang atleta ng lalawigan.

Nagbigay rin ng mensahe at inspirasyon sina Sta. Rita Mayor Reynan Calo at Floridablanca Mayor Michael Galang, na kapwa nagbigay-diin sa kahalagahan ng isports sa paglinang ng disiplina, pagkakaisa, at determinasyon ng kabataan.

Ayon kay Jane Valencia, Education Program Supervisor in Sports ng Division Sports Office, mahalagang plataporma ang PASDAAM “sa paglinang ng kakayahan ng mga kabataan sa iba’t ibang larangan ng isports at sa pagtuklas ng mga atletang magdadala ng mas mataas na karangalan sa Pampanga at sa bansa sa hinaharap”.

Ang Pampanga 2nd Congressional District ang nagsilbing punong-abala ng PASDAAM ngayong taon, na binubuo ng mga bayan ng Floridablanca, Guagua, Lubao, Porac, Santa Rita, at Sasmuan.

📸Daniel Ombina, Gerald Gloton/ Pampanga PIO

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1K22Nu4ac4/


Browse More ⟶